^

Metro

5 kilong shabu, nasamsam sa buy bust

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasakote ng Quezon City Police District-Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force Group ang dalawang lalaki matapos mag­benta ng humigit kumulang limang kilong shabu sa  isinagawang buy bust operation sa Quezon City, iniulat kahapon.

Ayon kay Sr. Insp. Robert Razon, hepe ng DAID-SOTG ng QCPD naaresto sina Harold Willford Padilla, 34 at Arnel Ignacio, 49, na pawang mga residente ng Luna 2 St., San Agustin Village, Malabon City sa kahabaan ng Banawe St., malapit sa Macopa St., Brgy. Sto. Domingo ganap na ala-6:30 ng gabi.

Nabatid kay Razon, na  naaresto si Padilla matapos ang pakikipagtransakyon ng kanilang tanggapan dito para sa pagbili ng shabu na tumitimbang na isang kilo at nagkakahalaga ng P1.5 milyon.

Nagkasundo ang da­lawang panig na magkita sa naturang lugar kung saan habang lulan sa isang kulay itim na Nissan Terrano (CMV 593) si Padilla ay ibinenta nito ang shabu sa mga ope­ratiba na ugat para siya arestuhin. Narekober pa mula kay Padilla ang isang kal. 40.

Samantala, naaresto­ rin ang kasamahan ni Padilla na si Ignacio­ na noo’y sakay sa kulay asul na Mazda Familla­ (UTN 234) at nasamsam dito ang hu­migit kumulang apat na kilo ng pinaghihinalaang shabu na naka­silid sa isang bag pack.

Patuloy ang imbes­tigasyon ng DAID sa nasabing mga suspect habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila.  with Ma. Juneah Del Valle

 

ARNEL IGNACIO

BANAWE ST.

DRUGS SPECIAL OPERATION TASK FORCE GROUP

HAROLD WILLFORD PADILLA

JUNEAH DEL VALLE

MACOPA ST.

MALABON CITY

PADILLA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with