MANILA, Philippines - Hindi pa man nakaÂkabangon sa panibagong pagtaas, may nakaamba na namang oil price hike ang mga kompanya ng langis anumang araw ngayong linggo.
Nauna nang nagpahayag ng planong pagtataas ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang kompanyang PTT ng P1.10 sa kada litro ng gasolina at hanggang 70 sentimos naman ang idadagdag sa kada litro sa diesel.
Ipinaliwanag ng kompanyang PTT na naka-apekto sa presyo ng langis ang paghina ng halaga ng piso at ang krisis sa bansang Syria.
Samantala, posibÂleng magpatupad din ng P3.00 dagdag kada kilo o P33.00 kada 11 kiloÂÂgram ng tangke ng Liquefied Petroleum Gas ang LPG-Marketers Association anumang oras at araw.