MANILA, Philippines - Patuloy na umiinit ang banggaan ng mga tauhan ng pamahalaang lungsod ng Makati at Taguig makaraang magprotesta kahapon si Mayor Junjun Binay nang kuyugin umano ng nasa 50 tauhan ni Mayor Lani Cayetano ang ilan niyang mga pulis sa loob mismo ng kanilang lungsod nitong nakaraang Miyerkules.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Binay, nasa 50 katao na mga miyembro umano ng Taguig Public Order and Safety Office (POSO) ang kumuyog sa mga pulis na sakay ng isang mobile patrol car ng Makati Police sa kanto ng Lawton at Kalayaan Sts., na sakop pa umano ng kanilang lungsod.
Nabatid na nagpapaÂtrulya ang isang police mo bile sa naturang lugar dakong alas-6 kamakalawa ng gabi nang mapansin ang isang service vehicle na sumusunod sa kanila. Nang sitahin ng mga pulis-Makati, niradyuhan umano ng mga tauhan ng Taguig POSO ang mga kasamahan at nang dumating ay pinaligiran ang mga pulis.
Humingi rin naman ng tulong ang mga pulis sa mga kasamahan na kanilang niradyuhan rin. Nang ruÂmesÂponde ang mga kasamahan kasama si Makati Police chief, Sr. Supt. Antonio Lukban, napapaligiran na umano ang police mobile ng mga pulis rin buhat sa Taguig kasama ang kanilang SWAT team. Nagpadala naman ang Makati Police ng limang patrol cars at 25 pang pulis.
Upang hindi mamayani ang kaguluhan, nakipagdaÂyalogo naman si Lukban sa mga namumuno ng POSO team buhat sa Taguig. Dito iÂpiÂnakita ni Lukban ang deÂsisyon ng Court of Appeals ukol sa pagkilala sa Makati City na siyang nakakasakop sa mga pinagtatalunang lupain.
Maayos namang nagÂkanya-kanyang alisan ang magkabilang panig matapos ang pag-uusap.
Nabatid naman na unang napansin umano ng isang tauhan ng Makati Solid Waste Management Division ang pagbabaklas ng tarÂÂpaulin banners na may nakasulat na “Welcome to Makati BGC†sa Kalayaan Road 4. Inakusahan pa sa naturang website ang mga tauhan ng Taguig na may dala umanong mga baril.
Tinangka naman ng PSN na kunin ang pahayag ng pamahalaang lungsod ng Taguig ngunit wala pa silang opisyal na tugon habang isinusulat ito.