Pagbuwag sa bgy. elections tinutulan

MANILA, Philippines - Tinutulan ng isang  ba­rangay chairman ang pagbuwag sa barangay elections sa bansa kung saan nakatakda itong isagawa sa Oktubre.

Ayon kay Bgy. Chairman Thelma Lim, ng  3rd district ng Maynila, mas dapat  na pahalagahan ang barangay sa pamamagitan ng barangay eleksiyon dahil mas alam nito ang pangangailangan at problema ng kanyang nasa­­sakupan. Aniya, ang barangay ang unang takbuhan ng mga pamilyang nangangailangan ng tulong.

Sinabi ni  Lim, sa kanyang panunungkulan, naitayo niya ang chapel,  covered court maging ang pagkakaroon ng alternative learning center para sa mga nais na matuto at kumita.

Tiniyak ni  Lim na  sa ka­nilang pondo sa barangay na  P7 milyon, nakikinabang ang kanyang barangay sa mga proyekto na kanyang  ipina­tutupad. Maging ang se­guridad  sa barangay ay 24/7 kung saan lumilibot ang mga tanod upang matiyak na walang petty crimes na magaganap sa kanyang nasasakupan.

 

Show comments