Pagbuwag sa bgy. elections tinutulan
MANILA, Philippines - Tinutulan ng isang baÂrangay chairman ang pagbuwag sa barangay elections sa bansa kung saan nakatakda itong isagawa sa Oktubre.
Ayon kay Bgy. Chairman Thelma Lim, ng 3rd district ng Maynila, mas dapat na pahalagahan ang barangay sa pamamagitan ng barangay eleksiyon dahil mas alam nito ang pangangailangan at problema ng kanyang nasaÂÂsakupan. Aniya, ang barangay ang unang takbuhan ng mga pamilyang nangangailangan ng tulong.
Sinabi ni Lim, sa kanyang panunungkulan, naitayo niya ang chapel, covered court maging ang pagkakaroon ng alternative learning center para sa mga nais na matuto at kumita.
Tiniyak ni Lim na sa kaÂnilang pondo sa barangay na P7 milyon, nakikinabang ang kanyang barangay sa mga proyekto na kanyang ipinaÂtutupad. Maging ang seÂguridad sa barangay ay 24/7 kung saan lumilibot ang mga tanod upang matiyak na walang petty crimes na magaganap sa kanyang nasasakupan.
- Latest