^

Metro

Tong collector sa BoC patuloy

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy umano ang pamamayagpag ng grupo ng mga “mangongotong” sa Bureau of Customs (BoC) at tanging­ si Commissioner Ruffy Biazon na lamang  ang hindi naka­kaalam ng ganitong uri ng illegal na gawain. Ito ang ibi­nun­yag kahapon ng isang mapapagkatiwalaang impormante sa BoC na hindi nagpabanggit ng pa­ngalan upang maprotektahan ang seguridad nito kung saan ilan dito ay nakila­lang sina alias Rico R.; alias Elvin at isang alias Ordonez. 

Napag-alaman na dapat ay malaking tax ang babayaran  ng isang Tina Yu, subalit kada container van ay nagba­bayad lamang umano ito ng P70,000.00 dahil ang bawat  isang container van ay hinihingan umano ito ng halagang P20,000.00 ni Rico R., kung kaya’t kumikita ito ng halagang P3 milyon  kada linggo.

Kung saan itong si alias Tina Yu ay isa umanong smuggler­ at inirereklamo na umano nito ang ginagawang pangongotong sa kanya ni Rico R. dahil isa siya sa “milking­ cow” nito. Napag-alaman pa rin na ang araw ng tong collection­ ng mga ito ay kada araw ng Biyernes at ito naman aniyang si Ordonez ay isa sa mga “bata” ng isang mataas na opisyal na nagbitiw sa BoC.

BIYERNES

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER RUFFY BIAZON

ELVIN

NAPAG

ORDONEZ

RICO R

SHY

TINA YU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with