^

Metro

Erap sinisi ang LTFRB sa trapik sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinisi ni Manila Mayor­ Joseph Estrada ang Land Trans­portation Fran­chising and Regulatory Board (LTFRB)­ sa naranasang masikip na daloy ng trapiko sa lungsod.

Ayon kay Estrada, sobra-sobra umano ang ibinibigay na prangkisa ng LTFRB sa mga bus operators kung kaya’t  panahon naman nila para ayusin ito.

“Pag magkakaroon ng pagbabago, siyempre may resistance. Kamukha niyan mga ilang taon na ’yan.  Mahigit isang dekada na yata na ang kolorum ay pasukan nang pasukan kaya sobrang trapik ng Maynila. Tapos yung may prangkisa sobra ang bini­bigay, libu-libo, kaya hindi talaga kaya ng kalye sa Maynila,” ani Estrada.

Nabatid kay Estrada na hanggang sa ngayon ay hi­ni­hintay pa rin nila ang bantang pagsasampa ng kaso laban sa kanya ng mga bus operators bunsod na rin ng kanilang ginawang bus ban sa lungsod.

Matatandaang ipinatupad ng konseho ng Maynila ang Resolution No. 48 na nagbabawal sa mga bus  na bumiyahe sa lungsod.

Pinag-aaralan na rin ni Estrada ang pagsugpo sa mga colorum jeepneys at kuliglig sa Maynila.

Idinagdag pa ng alkalde na marami ang nagpasalamat  sa kanilang aksiyon dahil naging maluwag na ang daloy ng trapiko sa ilang panguna­hing kalsada sa Maynila.

trapik sa Maynila

Doris Franche-Borja

BUS

ESTRADA

JOSEPH ESTRADA

KAYA

LAND TRANS

MAYNILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with