‘Salvage’ sa kalye

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang isang ‘di-kilalang lalaki matapos itong pagbabarilin ng hindi nakikilalang gunman sa Quezon City kahapon ng madaling-araw. Isinalarawan ang biktima na nasa edad 25-30, moreno, may kapayatan ang panganga­tawan, nakasuot ng green na sweatshirt, brown short pants, at bull cap na itim at puti. Sa ulat ni SPO1 Cristituto Zal­darriaga­, naganap ang krimen malapit sa Ford Corporation, Commonwealth Branch sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Brgy. Holy Spirit, ganap na alas-4:30 ng ma­daling-araw. Ayon sa ulat, isang sekyu na si Bong Julvie ang tumawag sa pulisya kaugnay sa naganap na pamamaril matapos siyang makarinig ng sunud-sunod na putok­ ng baril habang nasa loob ng binabantayan show­room ng nasabing korporasyon. Sa pagsisiyasat ni Zaldarriaga, bukod sa walang nakuhang identification card sa biktima, narekober sa crime scene ang 10-basyo at dalawang tingga ng cal. 45 pistol.

Show comments