‘Salvage’ sa kalye
MANILA, Philippines - Pinabulagta ang isang ‘di-kilalang lalaki matapos itong pagbabarilin ng hindi nakikilalang gunman sa Quezon City kahapon ng madaling-araw. Isinalarawan ang biktima na nasa edad 25-30, moreno, may kapayatan ang pangangaÂtawan, nakasuot ng green na sweatshirt, brown short pants, at bull cap na itim at puti. Sa ulat ni SPO1 Cristituto ZalÂdarriagaÂ, naganap ang krimen malapit sa Ford Corporation, Commonwealth Branch sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Brgy. Holy Spirit, ganap na alas-4:30 ng maÂdaling-araw. Ayon sa ulat, isang sekyu na si Bong Julvie ang tumawag sa pulisya kaugnay sa naganap na pamamaril matapos siyang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril habang nasa loob ng binabantayan showÂroom ng nasabing korporasyon. Sa pagsisiyasat ni Zaldarriaga, bukod sa walang nakuhang identification card sa biktima, narekober sa crime scene ang 10-basyo at dalawang tingga ng cal. 45 pistol.
- Latest