BGC sa amin na lang - Taguig City
MANILA, Philippines - “Ipaubaya na lang sana sa amin ng Makati City ang Fort Bonifacio na ang lokal na pamahalaan din ng Taguig ang syang nagtaguyod para umunladâ€.
Ito ang inihayag ni Taguig Vice Mayor Ricardo “Ading†Cruz Jr. sa lungsod ng Makati kung saan naniniwala ito na hindi kawalan para sa maunlad na lungsod ng Makati kung hindi na nito pag-interisan pa ang Fort Bonifacio.
Aniya, kung pagpapaunlad pa sa Bonifacio Global City (BGC) ang siyang hangad ng Makati ay pareho rin naman ang kanilang target kaya makasisiguro na kahit hindi mapunta sa Makati City ang Fort Bonifacio ay tiyak ang pagiging pag-unlad nito.
Sinabi ni Cruz na lubos na maunlad na ang Makati City kumpara sa Taguig na nagsisimula pa lamang sa pag-unlad kaya umaasa silang hindi magiging kawalan kung ipaparaya na ng Makati ang pag-angkin dito na siya namang pinagmumulan ng maÂlaking kita ng mga Taguigeño.
“Ang Fort Bonifacio ay pinaunlad ng Taguig kaya sana, hayaan na lamang doon at bigyan ng pagkakataon ng katabing lungsod ng Makati na umunlad ang Taguig,†pahayag ni Cruz.
Ayon kay Cruz, malaki ang magiging pilay ng lungsod ng Taguig at ang mga residente nito ang siyang lubos na maaapekÂtuhan kung patuloy na aangkinin ng Makati ang Fort Bonifacio.
Pagdating umano sa budget ay P10.5 bilyon ang taunang budget ng Makati kumpara sa P5 bilyon ng Taguig, umaabot din umano sa P2 bilyon ang surplus funds ng Makati habang zero o walang sobrang pondo ang Taguig dahil bulto ng pondo nito ay inilalaan sa social services kasama na rito ang scholarship fund, pagbili ng mga gamot, wheelchairs, iba at pang serbisyo publiko na ibinibigay sa mga residente. Bukod pa rito ang pangangalaga sa mga estudyante mula sa libreng uniporme, sapatos, bag at school supplies.
- Latest