^

Metro

3 nagbigti sa Malabon at QC

Lordeth­ Bonilla at Ricky Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo katao kabilang ang isang mister, isang binatilyo at isang may kapansanan uma­no sa pag-iisip ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa magkaka­hiwalay na lugar sa Malabon at sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Sa Malabon, nagbigti ang mister na si Josefino Javier, 62, ng De Jesus St., Brgy  Concepcion ng naturang lungsod sa hinalang may ibang lalaki ang kanyang misis.

Bago nagpakamatay ang lalaki, kamakalawa ay nag-away ang biktima at ang kan­yang misis na si Marilou dahilan upang umalis  ng bahay ang ginang at nagpunta sa mga kaanak habang lu­mabas din ng bahay ang mister at nakipag-inuman at nang malasing ay umuwi na rin.

Dakong alas-11:00 ng gabi ay hinanap ang biktima ng kanyang mga anak at laking­ gulat nang makitang patay na at nakabigti ng nylon cord sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. 

Sa Quezon City naman, nagpakamatay din sa pamamagitan nang pagbibigti sina John Carlo Guasa, 14, ng no. 29-A, Lagusan St., Kaingin Bukid, Brgy. Apolonio Samson at Alvin­ Fabregas, 22, residente sa Calapan, Oriental Mindoro.

Sa ulat, si John ay natag­puang patay ganap na alas-11:30 ng gabi sa loob ng abandonadong barung-barong sa Tabing Ilog St., sa Kaingin Bukid.

May tali ng nylon cord na nakapalupot sa kanyang leeg at nakabitin sa isang kahoy na poste ng bahay nang matagpuan ang binatilyo.

Nagawa pa siyang itakbo ng kanyang tatay na si Jose Rizalito Guasa sa Quezon City General Hospital (QCGH) pero idineklara rin itong dead on arrival.

Sabi pa umano ni Jose, huling nakita niyang buhay si John noong Huwebes ng tanghali matapos na magpa-alam na makikipagkita sa kanyang mga barkada.

 Pero hindi umano batid ni Jose kung ano ang tunay na rason ng pagpapakamatay ng anak, maliban sa posibleng nalungkot ito matapos na iwan at umalis ang kanyang misis na dinala pa ang naitatago nilang perang P11,000.

Si Fabregas naman na sinasabing kalalabas lamang  mula sa National Center for Mental Health kung saan ito na-diagnose na may undif­fe­­rentiated schizophrenia o pag­babago ng pag-uugali at emosyon ang natagpuang na­ kabigti sa may barracks ng isang construction site sa lungsod.

Isang kaanak na si Hervin Muros na nagta-trabaho sa isang construction site bilang mason ang kumuha kay Fabregas ng araw na nabanggit matapos na palabasin ito sa mental health at pinatuloy muna sa kanyang barracks.

 

APOLONIO SAMSON

BRGY

DE JESUS ST.

FABREGAS

HERVIN MUROS

ISANG

JOHN CARLO GUASA

KAINGIN BUKID

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with