Patakaran ng Parañaque City health, inalmahan
MANILA, Philippines - Inalmahan ng mga negosyante ang bagong kautasan ng Parañaque City Health Office kaugnay sa karagdagang halaga sa working permit partikular sa VD at flushing ng mga kababaihang namamasukan sa mga panggabing hanapbuhay sa nasabing lungsod. Iginiit ng mga negosyante na hindi makatarungan ang karagdagang P420 halaga na ibabayad ng mga kawani mula sa P80 para sa certificate na VD at flushing sa City Health Office sa nasabing lungsod.
Lumilitaw na dalawang ulit nagpapa-VD at flushing ang isang babae kung saan P1,000 ang kanilang ibabayad kumpara noon na P160 lamang. Gayundin ang P1,800 para sa working permit kung saan noong nakalipas na admiÂnistrasyon ng dating alkalde ay aabot lamang sa P1,300 ang halaga kada sertipiko.
Nabatid na tinanggalan na ng accreditation ang mga clinic na nagsasagawa ng VD at flushing sa mga kababaihan at ang City Health Office na lamang ang pinayagang gumawa ng nasabing eksaminasyon. MaÂging ang social hygiene unit sa nasabing city hall ay sinasabing inalisan ng karapatang magsagawa ng eksaminasyon sa mga establisamento. Sinikap namang kunin ang pahayag ang City Health Office kaugnay sa nasabing isyu subalit hindi makontak.
- Latest