Fetus natagpuan sa clean-up drive

MANILA, Philippines - Isang tinatayang 5-buwang fetus ang napulot habang isi­nasagawa­ ang clean-up drive ng mga estudyante ng Dela Salle University (DLSU), sa Adas Park, sa may Estero de Pandacan­, Pandacan, Maynila, kamakalawa ng umaga.

Sa ulat ng  Manila  Police District-Homicide Section, dakong  alas-9 ng umaga nang matagpuan ng estudyanteng si Shaira Brizuela, 18, ang kulay puti na plastic bag na inakalang may lamang patay na hayup.

Nabubulok na at mabaho ang laman ng plastic kung kaya inalam ito ni Brizuela. Dito niya natuklasang fetus.

Ipinagbigay-alam ito sa kalapit na barangay hall na siyang­ nagreport sa pulisya.

Show comments