MANILA, Philippines - Magsasagawa ng malaÂwakang balasahan ang pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD), partikular sa mga hepe ng bawat istasyon nito na hindi tumutupad sa kanilang serbisyo para masawata ang krimen sa kanilang nasasakupan.
Ayon kay QCPD director Police Chief Supt. Richard Albano, ang balasahan ay isaÂsakatuparan sa mga susunod na araw, makaraan ang isasagawang pag-aaral sa mga evaluation report na isusumite ng bawat hepe ng istasyon ng pulisya.
Ang QCPD ay mayroong 12 police station na ayon kay Albano ay nangangailaÂngan ng malaking pagbabago patungkol sa pagsawata sa krimen.
Sabi ni Albano, makikita umano nila sa evaluation report na isusumite ng bawat hepe ng pulisya kung ano ang nagawa nila sa kanilang pwesto at kung sila ay hindi nagpe-perform.
“Kasi kung non-performing officer ka, aalisin natin sa main stream ng pagkapulis, dahil baka mas epektibo ka rito sa main staff, in light manner ’yung mga staff, kung magaÂling naman sila ay baka puwede sa pagka-chief of police,†dagdag ni Albano.
Gayunman, kung maganda naman ang performance ng hepe, pero mahina naman ito sa pagsugpo ng krimen sa kanyang nasasakupan ay makakatiyak na ito sa reÂshuffle.