Avenida, Blumentritt sumailalim sa clearing operations
MANILA, Philippines - Hindi lamang ang paligid ng Manila City Hall ang nilinis ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) kundi maÂging ang kahabaan ng Avenida Rizal mula sa mga nakabaÂlagbag na mga pampubli kong sasakyan.
Personal na pinangasiwaan ni MTPB director Carter Don Logica ang paghatak sa mga pampasaherong jeep sa kahabaan ng Tayuman, Tomas Mapua, Antipolo at Laguna Sts. sa Sta, Cruz, Maynila.
Ayon kay Logica, matagal ng problema ang pagpapaÂrada ng mga sasakyan sa lugar na nagpapasikip ng daloy ng trapiko kung saan nagreresulta din ng away sa pagitan ng mga drivers.
Aniya, marami na rin silang natatanggap na mga rekÂÂlamo hinggil sa pangongotong kung kaya’t hindi naaÂalis ang mga illegal terminal at illegally parked vehicles sa lugar partikular sa panulukan ng Tayuman at Avenida.
Sinabi ni Logica na unti-unti nilang aalisin ang mga saÂsakyang nakabalagbag sa daan at nagdudulot ng pagsisikip ng daloy ng trapiko.
Nabatid na maging ang illegal terminal ng mga PUJ sa Tayuman ay binuwag din ng MTPB.
Lumilitaw sa report ni Towing and Clamping Divi sion chief Arlene DesiÂderio kay Logica na umaabot sa pitong pampasaherong jeep, walong motorsiklo at private car ang hinatak ng MTPB.
Giit ni Logica, mahigpit na pagbabawal sa pagpaparada ng iligal ng mga PUJ maging ng iba pang uri ng sasakyan lalo pa’t nakakaapekto ito sa publiko.
- Latest