^

Metro

Tatay pinatay sa harap ng anak

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang ama makaraang ratratin ng tatlong armadong lalaki sa harap mismo ng kanyang mga anak sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PO2 Gil­ mer Mariñas, imbestiga­dor ng kaso, kinilala ang biktimang si Elmer Tandoc, 51, dispatcher, resi­dente ng Kagandahan St., Brgy. Batasan Hills.

Nangyari ang insidente sa bahay ng biktima ganap na alas-7:45 ng gabi.

Bago ito, kakain na sana ang biktima kasama ang dalawang anak nitong sina Christopher at Apple nang biglang dumating ang mga suspect at walang habas na pinagbabaril ang una.

Matapos ito, dali da­ling tumakas ang mga suspect lulan sa isang motorsiklo na hindi naplakahan. Nagawa pang maitakbo ang biktima sa General Malvar Hospital ngunit idineklara na rin itong dead on arrival.

Nang imbestigahan ang pinangyarihan ng insidente, narekober ang tatlong basyo ng bala at apat na slug ng kal .45.

Nagtamo ang biktima ng maraming tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang kata­wan ng siyang ikinamatay nito.

Samantala, patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa nangyaring insidente. (Ricky T. Tulipat with trainee Ma. Juneah Del Valle)

vuukle comment

AYON

BATASAN HILLS

ELMER TANDOC

GENERAL MALVAR HOSPITAL

JUNEAH DEL VALLE

KAGANDAHAN ST.

QUEZON CITY

RICKY T

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with