2 lalaki itinumba sa QC

MANILA, Philippines - Dalawang lalaking diumano’y biktima ng summary execution ang natagpuan ng pulisya sa isang kalye sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay PO2 Rhic Roldan Pittong, imbestigador ng kaso, hindi pa alam ang pagkakaki­lanlan ng mga biktima kung saan ang isa sa mga ito ay nakasuot ng asul na t-shirt at itim na shorts, 5’6’’ ang taas, nasa 25-30 ang edad na may tattoo sa  balikat, kanang tuhod at kanang pulso. Habang ang isa naman ay nakasuot ng kulay orange na t-shirt at camouflage shorts, may taas na 5’5’’, nasa 25-30 ang edad at may tattoo sa kanang kamay, kaliwang dibdib at may nakaimprentang “Jeff” sa bandang tiyan.

Natagpuan ang mga bangkay ganap na ala-1:15 ng madaling-araw sa tabi ng Sta. Lucia Neopolitan Business Park sa kahabaan ng Mindanao Avenue Extension cor. Belfast Avenue, Brgy. Greater Lagro sa lungsod.

Bago ito, nagpapatrulya sina PO2 Dante Arador at PO1 Arthur Cataluña ng Quezon City Police District (QCPD) Station 5 nang mapansin nila ang mga biktima na nakahandusay sa nasabing lugar.

Samantala, patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay d ito.

Show comments