^

Metro

2 kelot dedo sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang nasawi sa magkahiwalay na pananambang ng riding-in-tandem suspects  sa loob laman­g ng 12 oras sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Sa ulat ng pulisya, ang mga biktima ay kinilalang sina William Nozares, 20, ng Katuparan St., Brgy. Commonwealth, at Eduardo Deudor­, 43, ng  Sagada St., Brgy. Sto. Domingo.

Hindi naman matukoy pa ng mga imbestigador kung ano ang posibleng motibo ng pagpatay sa nasabing mga biktima.

Si Nozares ay nasawi matapos ang pamamaril na naganap alas-9:45, Lunes ng gabi sa may kalye ng Pacheco sa Katuparan St.

Base sa pahayag ng mga testigo, ang mga suspect ay    sakay ng isang motorsiklo. Hindi naman nakuha ang plaka ng sinakyang motorsiklo ng mga suspect.

Nangyari ang pama­maril habang ang biktima at kanyang mga kaibigan ay nagku-kwentuhan sa lugar at du­mating ang mga suspect sakay ng motorsiklo.

Si Nozares na nagtamo ng multiple gunshot wounds ay naitakbo pa ng kaanak sa Far Eastern University (FEU) Hospital, pero idineklara ring dead-on-arrival.

Habang sa kaso ng pagpatay kay Deudor, kapwa nakasuot ng helmet ang mga suspect na lulan naman sa motorsiklong walang plaka.

Nangyari ang pamamaril habang ang biktimang si Deudor ay umiinom ng kape sa harap ng kanyang bahay, ganap na alas-7:30 ng umaga­ kahapon.

Sabi ng ilang testigo, bigla na lamang umanong du­mating ang motorsiklo sakay ang mga suspect.

Isa sa mga suspect ang biglang bumaba at nilapitan ang biktima saka pinagbabaril.

BRGY

DEUDOR

EDUARDO DEUDOR

FAR EASTERN UNIVERSITY

KATUPARAN ST.

NANGYARI

SAGADA ST.

SI NOZARES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with