Malalang pagbabaha sa Malabon, giit solusyunan

MANILA, Philippines - Mariing nanawagan ang mga residente sa lungsod ng Malabon sa pamahalaang lokal o sa mga kinauukulan na resolbahan ang malalang tubig-baha sa kanilang lugar dulot ng kinukumpu­ning dike ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nabatid sa mga residenteng nakatira sa Rivera St., Brgy. Tañong ng naturang lungsod, dati-rati aniya, kapag­ high-tide sa naturang lugar ay hindi naman sila nakakaranas ng pagtaas ng tubig-baha. Subalit simula noong Linggo ay nakaranas sila ng mataas na pagbaha at pumasok pa ang tubig sa kani-kanilang tahanan at umabot ito ng hanggang hita.

Dahil dito, idinulog  ng ilang residente sa tanggapan ng barangay upang alamin ang dinadanas nilang pagbaha sa naturang lugar, ka­twiran aniya  ng barangay ito ay  dahil sa ginagawang dike sa bahagi ng CAMANAVA Flood Control Project ng DPWH na kinukumpuni sa area ng lungsod ng Navotas.

Show comments