Bus bawal na sa Maynila
MANILA, Philippines - Hindi na maaaring puÂmasok sa lungsod ng MayÂnila ang mga provincial bus.
Ito’y matapos na ipasa ng konseho ng Maynila ang Resolution No. 48 na nagbabawal sa mga provincial bus na pumasok ng Maynila.
Ayon kay Manila 3rd disÂÂtrict councilor at Traffic Management Committee chairman Manuel ‘Letlet’ Zarcal, panahon na upang kontrolin ang pagpasok ng mga bus sa Maynila ng walang mga terminal.
Aniya, pawang nakabalagbag lamang ang mga provincial bus na pumapasok sa lungsod na nagiging dahilan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko.
Ang masikip na daloy ng trapiko ngayon ang piÂnagtutuunan ng pansin ng lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Manila Vice Mayor Isko Moreno.
Paliwanag ni Zarcal, tanging ang mga provincial bus lamang na may mga terminal sa lungsod ang maaaring makapasok sa Maynila.
Idinagdag pa ni Zarcal na sa ilalim aniya ng traffic management code, may karapatan ang komite na magsagawa at bumuo ng plano upang masolusyunan ang traffic.
Lumilitaw aniya sa pag-aaral ng Japan Internal CoÂoperation Agency(JICA) at Department of Transportation and Communications (DOTC) na ang dami ng mga bus sa lansangan ay isang dahilan ng masikip na daloy ng sasakyan.
- Latest