^

Metro

7 buwang buntis comatose matapos magbaril

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matinding depression at  pangungulila ang posibleng nagtulak sa pitong-buwang buntis na babae na magbaril sa sentido matapos na maka­sama ang kanyang live-in partner sa limang kalalakihan na pinagbabaril at pinatay ng hindi pa kilalang suspect sa Pasay City  kamakailan.

Comatose at nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital (PCGH) si Maricel Bautista, 25, nakatira sa #346 Magtibay St., ng naturang lungsod, matapos na magtamo ng tama ng bala sa kanang sentido buhat  sa cal. 22, Black Widow.

Si Bautista ay live-in partner ni Chucky Dee, isa sa limang biktima na pinagbabaril at pinatay ng hindi pa kilalang mga suspect kamakailan sa Makati City.

Ligtas naman ang sanggol  nang mailabas sa sinapupunan ng kanyang ina, na isang baby boy at kasalukuyang nasa incubator.

Lumalabas sa imbestigasyon nina SPO3 Allan Valdez at SPO1 Roy Ramos ng Station Investigation and Detective Management Section ng Pasay City Police, dakong alas-5:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob mismo ng tahanan ng biyenan ng biktima na si Cristina Cruz.

Ayon kay  Cruz, napansin niyang sarado ang kuwarto ng biktima. Nang buksan nito ang pintuan ng silid ay tumambad sa kanyang harapan ang dugu­ang katawan ng biktima sa sahig na may tama ng bala sa sentido.

Bukod pa rito, nakita rin ni Cruz ang  naturang kalibre ng baril sa sahig na hinihinalang ginamit ng biktima.

Nang magsagawa ng pagsisiyasat ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), na-recover ng mga ito ang isang cell phone na kung saan nakasaad ang suicide note ng biktima, na , “PAPAHINGA NA AKO, HINDI KO NA KAYA TALAGA, PAGOD NA AKO, KAW NA ANG BAHALA KAY CAI, MAHAL Q KAYONG LAHAT­, SORY PAG PRAY NIO Q PALAGE”.

Bukod pa rito, bago nagtangkang magpakamatay ang biktima ay nag-post pa ito sa kanyang facebook account na sinabi nitong “Beb susunod na kami ni baby, bakit mo kami iniwan antayin mo kami, bakit hindi mo hinintay si baby”.

Sa teorya ng pulisya, po­sib­leng matinding depression dahil sa pangungulila sa na­patay na ka-live-in ang nagtulak kay Bautista upang tangkang kitlin nito ang sariling buhay, na kinumpirma naman ng kapatid nito na si Mariel Alcantara, 20, dalaga.

 

vuukle comment

ALLAN VALDEZ

BIKTIMA

BLACK WIDOW

BUKOD

CHUCKY DEE

CRISTINA CRUZ

CRUZ

MAGTIBAY ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with