MANILA, Philippines - Nagsimula nang gumiling ang closed circuit television (CCTV) camera sa ilang pangunahing lugar sa lungsod ng Maynila kung saan nakatutok ito hindi lamang sa daloy ng trapiko, na mga lumalabag sa traffic rules kundi maging ang krimen na nangyayari sa loob ng sasakyan.
Ayon kay Manila Vice Mayor at traffic czar Isko Moreno, made-detect ng ‘intelligent cctv camera’ ang violation ng isang sasakyan maging ang plate number nito ay kayang makuha ng camera.
Paliwanag ni Moreno, dito na papasok ang kanilang programang ‘billed out’ kung saan padadala sa kani-kanilang mga bahay ang citation ticket kung saan nakalagay ang pagÂlabag, gayundin ang larawan ng paglabag.
Nakatakda aniyang maÂkiÂpag-ugnayan ang lungsod ng Maynila sa Land TransporÂtation Office upang makilala ang may-ari ng saÂsakyang sangkot sa traffic violation.
Sinabi ni Moreno na ang paggamit ng nasabing caÂmera ay bahagi ng kanilang “no contact traffic implementation†na nais na ipatupad ni Manila Mayor Joseph Estrada sa buong Maynila.
Aniya, may infrared ang CCTV na madaling makaalam ng paglabag ng sasakyan.
“Maiiwasan na ang paÂngoÂngotong ng ilan nating miyembro ng kapulisan o traffic aide kung meron nang CCTV camera dahil nga sa nais ng ating Mayor Joseph Estrada na pairalin ang ‘no contact point policy’ in the implementation of traffic rules,†ani Moreno.
Bukod dito, ipinagmaÂmalaki rin ni Moreno na kaya ring ma-detect ng nasabing camera kung may nagaganap na krimen sa loob mismo ng sasakyan.
“Makukuhanan din sa CCTV camera kung meron mang krimen sa loob ng isang sasakyan. Kaya magdadalawang-isip ang mga nagbabalak na gumawa ng masama,†dagdag pa ni Moreno.
Tiwala ang bise alkalde na mapabuti ang sitwasÂyon ng traffic conditions sa lungsodÂ.
Kasama na rin sa kanilang kampanya ang illegal bus terminals, illegal vendors at jaywalkers.
Ilan sa mga lugar na nilagyan ng CCTV ay Lawton, Arroceros, Intramuros, Immigration at Manila City Hall.
Dagdag pa ni Moreno, ang nasabing CCTV ay mula sa Australian, Israeli, British at Korean technology.