^

Metro

Hi-tech CCTV, ikinasa

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagsimula nang gumiling ang closed circuit television (CCTV) camera sa ilang pangunahing lugar sa lungsod ng Maynila kung saan nakatutok ito hindi lamang sa daloy ng trapiko, na mga lumalabag sa traffic rules kundi maging ang krimen na nangyayari sa loob ng sasakyan.

Ayon kay Manila Vice Mayor at traffic czar Isko Moreno, made-detect ng ‘intelligent cctv camera’ ang violation ng isang sasakyan maging ang plate number nito ay kayang makuha ng  camera.

Paliwanag ni Moreno, dito na papasok ang kanilang programang  ‘billed out’ kung saan padadala sa kani-kanilang mga bahay ang citation ticket kung saan nakalagay ang pag­labag,  gayundin ang larawan ng paglabag.

Nakatakda aniyang  ma­ki­pag-ugnayan ang lungsod ng Maynila sa Land Transpor­tation Office upang makilala ang may-ari ng sa­sakyang sangkot sa traffic violation.

Sinabi ni Moreno na ang paggamit ng nasabing ca­mera ay bahagi ng kanilang “no contact traffic implementation” na nais na ipatupad ni Manila Mayor Joseph Estrada sa buong Maynila.

Aniya, may infrared ang CCTV na madaling makaalam ng  paglabag ng sasakyan.

“Maiiwasan na ang pa­ngo­ngotong ng ilan nating miyembro ng kapulisan o traffic aide kung meron nang CCTV camera dahil nga sa nais ng ating Mayor Joseph Estrada na pairalin ang ‘no contact point policy’ in the implementation of traffic rules,” ani Moreno.

Bukod dito, ipinagma­malaki rin ni Moreno na kaya ring ma-detect ng nasabing camera kung may nagaganap na krimen sa loob mismo ng sasakyan.

“Makukuhanan din sa CCTV camera kung meron mang krimen sa loob ng isang sasakyan. Kaya magdadalawang-isip ang mga nagbabalak na gumawa ng masama,” dagdag pa ni  Moreno.

Tiwala ang bise alkalde na mapabuti ang sitwas­yon ng  traffic conditions sa lungsod­.

Kasama na rin sa kanilang  kampanya ang illegal bus terminals, illegal vendors at jaywalkers.

Ilan sa mga lugar na nilagyan ng CCTV ay Lawton, Arroceros, Intramuros, Immigration at Manila City Hall.

Dagdag pa ni Moreno, ang nasabing CCTV ay mula sa Australian, Israeli, British at Korean technology.

 

CCTV

ISKO MORENO

LAND TRANSPOR

MANILA CITY HALL

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MAYNILA

MORENO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with