MANILA, Philippines - Ipinag-utos ni Quezon City Mayor Herbert M. Bautista ang suspensyon ng mga klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa elementarya at high school sa daraÂting na Lunes (Hulyo 22) kaugnay sa isasagawang SONA ni Pangulong Benigno Aquino III sa Kongreso.
Ang hakbang ay gi nawa ni Mayor Bautista bilang tugon sa rekomendasyon ng QC Police District, QC Division of City Schools at QC Department Public Order and Safety para sa pa ngangalaga ng kaayusan at katahimikan kaugnay ng SONA.
“Ang kaligtasan ng mga batang nagsisipag-aral at ang pagbibigay ng proteksyon sa kanila ay isang pangunahing tungkulin ng pamahalan ng lungsod,†sinabi ni Mayor Bautista sa ginanap na executive meeting sa QC hall.
Sinabi rin nito na dapat suspendihin ang mga klase para na rin makabawas sa pagsiÂsikip ng trapiko lalu na sa kaligtasan ng mga batang mag-aaral.
Gayundin sinabi ni QC Polytechnic UniverÂsity Vice President for administration Melani Pisig na wala ring pasok sa BaÂÂtasan branch ng naturang unibersidad.
Ipinaubaya naman ng QC Hall sa Commission on Higher Education (CHED) ang pagpapasya kung isususpinde o hindi ang mga klase sa mga unibersidadad at kolehiyo sa mga apektadong lugar sa lungsod.