Bus vs kotse: 10 sugatan
MANILA, Philippines - Sampung katao ang naÂsugatan makaraang mawalan ng preno ang isang bus at mabundol ang isang MitsuÂbishi Lancer kahapon ng umaga sa Quezon City.
Kinilala ni PO2 Henry Gerner Luna, imbestigador ng kaso, ang mga biktimang sina Rebecca Macato, 45; Jesus Alconendas, 50; Rubby ImÂperial, 43; Edlyn Sierra, 33; Flor De Liza, 48; Arlene Pregue, 37; Russel MasiÂlungan 31; Ronnie de Vera, 25; Daryn Santos, 26; at Robert Corpuz, 42.
Samantala, kinilala naman ang driver ng bus na si Edwin Carcellar, 33, ng Matabya St., Talanay, Batasan Hills, driver ng Nissan Diesel Bus (PUB) (TYK-498) na nakarehistro sa CEMTrans Service Inc., habang ang driver ng Mitsubishi Lancer (TGQ-113) ay kinilalang si Alfred Rei Cabusora, 32, Unilab Senior Product Manager.
Nangyari ang insidente ganap na alas-9:00 ng umaga sa kahabaan ng EDSA south- bound Lane pababa ng Aurora Tunnel-Immaculate ConÂcepcion sa nasabing lungsod.
Ayon kay Luna, bago mangÂyari ang insidente, minaÂmaneho ni Carcellar at ni Cabusora ang kani-kanilang sasakyan sa kahabaan ng EDSA south-bound Lane galing sa New York St. patungo sa direksyon ng Makati, nang pagdating sa pababang bahagi ng Aurora Tunnel, biglang nawalan ng kontrol ang bus at gumewang-gewang.
Dahil dito, tinamaan ng bus ang kotse ni Cabusora dahilan para mabangga nito ang isang concrete island, habang ang bus naman ay sumalpok sa poste ng MRT.
Sa lakas ng impact, kapwa nasira ang ilang bahagi ng mga naturang sasakyan, dahilan para magtamo ng mga sugat sa katawan ang mga biktima.
Sa ngayon ay patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.
- Latest