MANILA, Philippines - Simula bukas (Hulyo 15) ipapatupad na ni Manila Police District director Chief Supt. Isagani Francisco Genabe Jr. ang dress code sa kanyang mga tauhan kung saan tatambad na sa publiko ang mga pulis na nakasuot ng Barong Tagalog (working barong) at hindi tulad ng dating nakasuot ng sibilyan.
Ayon sa panayam kay C/Insp. Erwin Margarejo, tagapagsalita ng MPD, hindi na maaring magsibilyan ang mga nakatalagang pulis sa intelligence at investigation unit, partikular sa mga detectives at operatives sa tuwing sila ay nasa opisina.
Paliwanag ni Margarejo, dati nang ‘policy’ ng mga nakaraang direktor ang dress code na ito subalit hindi lamang umano sinusunod o mahigpit na ipinatutupad.
“Hindi naman ito bago, iniutos ni director na i-implement ngayon ng mas mahigpit kasi mahirap na hindi mo na makilala ang pulis sa hindi pulis kung halos lahat nakasuot sibilyan. Kung hindi susunod, bababaan sila ng order to explain sa pagsuway,†ani Margarejo.
Para naman sa mga opisyal, lahat umano ay dapat na nakasuot ng bosch coat o ang general office attire type “Aâ€, habang ang mga mas mababang ranggo ay naka-GOA type “Bâ€. Gayunman, nilinaw ni Margarejo na hindi naman itinatakda sa mga operatiba ng intelligence at investigation units na magsuot pa sila ng working barong kung sila magsasagawa ng operasyon sa labas ng opisina.