^

Metro

MRT nagkaaberya, operasyon muling naantala

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling naantala ang ope­rasyon ng Metro Rail Transit (MRT) bunsod ng panibagong aberya na naganap sa isang tren sa Guadalupe station sa Makati City, nabatid kahapon.

Ayon kay MRT-3 Ge­neral Manager Al Vitangcol, nakaranas ang tren ng non-traction o hindi pagkapit ng mga gulong sa riles dahilan upang hindi ito umusad.

Nabatid na ganap na alas-7:46 ng umaga nang maganap ang insidente, nang magsakay at magbaba ng mga pasahero ang naturang tren sa southbound ng Guadalupe station.

Paalis na aniya ang tren nang hindi na ito makausad pa sa riles kaya’t napilitan silang pababain ang mga pasahero.

Hinala ng MRT management na motor problem ang naging sanhi ng insidente.

Ani Vitangcol, inabot rin ng 11 minuto ang pagkaantala ng operasyon ng tren.

Agad din namang bumalik sa normal ang operasyon ng MRT matapos matanggal ang nagkaaberyang tren, na dinala sa pocket track sa Shaw Boulevard, upang matukoy ang dahilan nang hindi pagkapit ng gulong nito sa riles.

ANI VITANGCOL

AYON

GUADALUPE

HINALA

MAKATI CITY

MANAGER AL VITANGCOL

METRO RAIL TRANSIT

NABATID

SHAW BOULEVARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with