MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang magnobyo makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang mga suspect habang ang mga biktima ay naglalakad sa kalsada patungo sa bahay ng kanilang kaibigan sa Marikina City kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Senior Supt. Reynaldo Jagmis ng Marikina City Police ang mga biktima na sina Richard Maya-maya, 19, construction worker at nobya nitong si Catherine Rabulan, 16, kapwa residente ng Brgy. Nangka, Marikina City.
Ang dalawa ay nagtamo ng tama ng bala ng kalibre 45 baril sa iba’t-ibang parte ng katawan.
Batay sa ulat ng Marikina Police, ganap na alas-8:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa Brgy. Nangka habang ang mga biktima ay naglalakad umano upang sunduin ang isang kaibigan sa Anastacia Village sa nasabing barangay nang lapitan sila ng hindi kilalang suspek na armado ng isang kalibre 45 baril.
Wala umanong sabi-sabing pinagbabaril ng suspek ang magnobyo na nagÂresulta sa agarang kamaÂtayan ni Maya-maya.
Nagawa namang makatakbo ni Rabulan pero siya man ay pinagbabaril din ng suspek.
Nang makita na pareho nang walang buhay ang daÂlawa ay saka kinuha ng suspek ang pera, cellphone at relo ng magnobyo at kaswal na naglakad patungo sa isang naghihintay na saÂsakyan para tumakas.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad kung holdap nga ba o may iba pang motibo ang krimen.