MANILA, Philippines - Pinagbabaril at napatay ang isang kawani ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng hindi pa kilalang mga saÂlarin sa Sampaloc, Manila, kaÂhapon ng madaling-araw. Patay na nang idating sa UST Hospital ang biktimang si Paul Parezo, 39, residente ng Miguelin St., Sampaloc, Maynila dahil sa tinamong bala sa likod.
Tumakas naman sakay ng kulay itim na Starex van na hindi naplakahan ang dalawang suspect. Sa ulat ni PO3 Jupiter Tajonera ng MPD-HoÂmicide Section, dakong alas-4:15 ng madaling-araw nang naganap ang insidente sa Laon-laan St., Sampaloc, Maynila.
Nabatid na habang lulan ang biktima ng kanyang Montero Sport nang pagdating sa nasabing lugar ay parahin siya ng dalawang suspect na bumaba mula sa kanilang nakatigil na kulay itim na Starex van. Ilang minuto lang ay ilang ulit na pinaputukan ng mga suspect ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay sumakay muli ang mga susÂpek sa kanilang sasakÂyan saka tuluyang tumakas. Blangko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na krimen.