^

Metro

Binata itinumba habang naghahapunan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 22-anyos na binata makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang sa­larin sa lungsod Quezon ka­makalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Nathaniel Romero ng Pilot Drive, Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Nabatid na mabilis namang nagsitakas ang tatlong hindi pa nakikilalang suspect matapos ang isinagawang krimen.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente sa harap ng Hilda Eatery na matatagpuan sa creekside, Pilot Drive, Brgy. Commonwealth, habang ang biktima ay kumakain, ganap na alas-11 ng gabi.

Ayon sa saksing si Marikita Cavallero, nakita pa niya ang tatlong suspect na palakad-lakad malapit sa tindahan at kinukunan pa ng litrato ang bik­tima.

Ilang sandali pa, isa sa mga suspect ang lumapit sa biktima at pinagbabaril ito. Ma­tapos ang pamamaril ay agad na umalis ang mga suspect patungo sa MRB subdivision kung saan sila huling nakitang lumabas.

Samantala, sabi naman ng kapatid ng biktima na si Leeway,  26, ang kanyang kapatid ay nahuli na umano sa kasong robbery at napiit ng ilang buwan sa Batasan Hills Police Station.

Gayunman, tinitignan ng awtoridad kung may kinalaman sa dating kaso ng biktima ang pagpatay sa kanya.

vuukle comment

AYON

BATASAN HILLS POLICE STATION

BRGY

GAYUNMAN

HILDA EATERY

ILANG

MARIKITA CAVALLERO

NABATID

NATHANIEL ROMERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with