Kelot itinumba ng mister ng naging kalaguyo

MANILA, Philippines - Utas ang isang lalaki matapos itong barilin ng mister ng kanyang naging kalaguyo sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si Romeo Cabading, 33,  ng Hernandez St., Brgy. Catmon ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspect na si Jon-Jon Espinosa, alyas “balut”,  ng Brgy.  Longos ng lungsod.

Base sa ulat ng Malabon City Police, naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng hapon, habang ang biktima ay naglalakad sa Labahita St., sa naturang barangay nang harangin at barilin  ng suspect bago tumakas.

Lumalabas na naging syota ng nasawi ang misis  ng suspect  habang ang huli ay nakakulong  dahil sa kasong  droga.

Show comments