^

Metro

Lalaking tsinap-chop, kilala na

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kilala na ang lalaking natagpuang tsinap-chop sa Caloocan kung saan love triangle at pagnanakaw ang ilan  sa mga anggulong tinitingnan ngayon ng pulisya na motibo sa krimen.

Positibong kinilala ng mga kaanak ang biktimang  si Carmelo Villaroel, 22,  ng Kaong St., Amparo Subdivision, ng naturang  lungsod.

Sa pahayag ng ka-live-in ng biktima na si Jessica del Rosario, dakong alas-4:00 ng hapon noong Hunyo 29 nang umalis ng kanilang bahay ang biktima.

Dakong alas-5:30 ng hapon ay nakipagkita ang biktima sa nobya nitong taga-Bulacan na may asawa na at makalipas ang kalahating oras ay naghiwalay din.

Dakong alas-3:00 naman kamakalawa ng hapon nang makita ang binti ng biktima sa madamong bahagi ng Anahaw St.,ng naturang subdivision, kung saan nahukay din ang ulo at ilang bahagi ng katawan ni Villaroel.

Lumalabas na nagsama ang biktima at ang nobya nito sa Maligaya, Quezon City sa kabila na may asawa na ang babae. Gayunman, napag-alaman din na nasangkot na rin ang biktima sa pagnanakaw sa mga computer shop sa kanilang lugar kung saan inaalam pa rin ng mga pulis ang tunay na motibo sa insidente.

AMPARO SUBDIVISION

ANAHAW ST.

BIKTIMA

BULACAN

CALOOCAN

CARMELO VILLAROEL

DAKONG

GAYUNMAN

KAONG ST.

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with