Nurse nagbigti

MANILA, Philippines - Isang lalaking nurse ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti sa loob ng kanyang kwarto sa Brgy. Socorro, Cubao Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni PO2 Romeo Niño, may-hawak ng kaso, ang nasawi na si Mark Joseph Velasco, 28.

Ayon kay Niño, ang biktima ay natagpuan ng kanyang kapatid na si Cristia, ganap na alas-3 ng madaling-araw.

Ayon kay Cristia, papunta na siya sa kanyang kuwarto nang mapansin niyang nakabukas ang kuwarto ng kapatid.

Sinilip niya ito at doon nakita ang kapatid na nakabitin gamit ang nylon cord. Itinakbo pa sa World City Medical Center ang biktima pero idineklara na ring patay.

Samantala, nagpaabot na lamang ng waiver ang mga kapatid ng biktima na nagsasabing hindi na kailangan pa ng malalim na imbestigasyon sa kaso dahil naniniwala naman sila na suicide ang nangyari. Hindi rin binanggit kung ano ang posibleng dahilan sa pagpapakamatay nito.

Show comments