5 magpipinsan niratrat, patay
MANILA, Philippines - Limang magpipinsan ang pawang nasawi makaraang paulanan ng bala ng isang grupo ng kalalakihan sa ibabaw ng tulay sa hangganan ng Pasay at Makati City, kahapon ng madaling-araw.
Nakilala ang mga nasawi na sina Andrew Lloyd Cruz, 23; kapatid nitong si Francisco Cruz III, 20; pinsan na sina Chuckie Dee Cruz, 22; Raymart Saraza, 20; at Rogelio Diala, 23, pawang mga naninirahan sa Magtibay Street, Pasay City.
Patuloy namang inaÂalam ngayon ng pulisya ang pagÂkakakilanlan ng mga salarin. Tatlo sa mga ito ay lulan ng isang tricycle, dalawa ay magka-angkas sa isang motorsiklo at ang isa ay nagsosolo sa isang motor. Hindi namukhaan ng mga saksi ang mga salarin dahil pawang may mga suot na helmet.
Sa inisyal na ulat na naÂtanggap ni Southern Police District Director, Chief Supt. Jet Villacorte, dakong alas-2:36 ng madaling-araw nang maganap ang pamamaril sa ibabaw ng Arnaiz Cementina Dolores bridge sa may Arnaiz AveÂnue, Pasay.
Nabatid na galing sa banÂdang Makati ang magpipinsang biktima buhat sa isang videoke bar at paÂpauwi na nang palibutan ng mga salarin sa naturang tulay.
Wala nang nagawa ang mga biktima nang walang habas silang paputukan ng mga salarin. Mabilis na tumakas ang mga salarin makaraan ang pamamaril habang isinugod pa ng mga rumespondeng pulis sa Pasay City General Hospital ang mga biktima ngunit pawang hindi na umabot ng buhay.
Nakuha sa lugar ng krimen ang mga basyong bala ng kalibre .45 habang wala namang lumalantad na saksi upang magbigay ng testimonya para makatulong sa mga imbestigador. Nabatid rin na pawang may mga tattoo ang mga nasawing biktima.
Itinanggi naman ng mga kaanak ng biktima na sangkot sa iligal na aktibidad tulad ng droga at miyembro ng gang ang mga ito. Mahilig lamang umanong gumimik ang mga magpiÂpinsan at madalas ring napapaaway.
Samantala, itinanggi naÂman ni Pasay City Mayor Antonino Calixto na sa lugar ng kanyang lungsod nangyari ang krimen. Sinabi nito na sa ocular inspection ng kanyang mga pulis, nasa bahagi ng Makati na umano ang eksaktong lugar kung saan binaril ang mga biktima.
Inendorso na umano nila sa Makati City Police ang kaso ngunit magsasagawa rin umano ang Pasay Police ng “lateral investigation†para makatulong sa paglutas ng krimen.
Sinabi naman ni Pasay City StaÂtion Investigation and Detective Management Section chief, Chief Insp. Joey Goforth na nadiskubre nilang may kaso ukol sa iligal na droga ang daÂlawa sa biktima na sina Andrew Lloyd Cruz at Chuckie Dee Cruz makaraang maÂhuli noong nakaraang Hulyo at Setyembre 2012. Nakalaya naman ang mga ito makaraang makapagpiyansa.
Nabatid naman na nasa order of battle ng Station Anti-Illegal Drugs office ang tatlo pang biktima na sina Francisco Cruz, Saraza at Diala. Dito ngaÂyon nakatutok ang imbestigasyon ng pulisya ukol sa posibleng onsehan sa iligal na droga sa isang sindikato.
- Latest