Paglalagay ng CCTV sa mga establisimyento, isasabatas
MANILA, Philippines - Naniniwala si Manila Vice Mayor Isko Moreno na malaki ang maitutulong ng paglalagay ng close circuit television sa lahat ng mga establisimyento upang masawata ang iba’t ibang krimen sa lungsod.
Ayon kay Moreno, panahon na ang paglalagay ng CCTV sa mga establisimyento na kadalasang nagiging biktima ng mga sindikato.
Sinabi ni Moreno na kailangan na sumunod ang mga negosyante sa kanilang ordinansa para na rin sa kanilang kapakanan.
Kaugnay nito, binigyan ni Estrada si MPD chief Sr. Supt. Isagani Genabe ng hanggang 100 araw upang maituwid ang baluktot na sistema na nakasanayan ng mga pulis. Pinasusugpo rin ni Estrada ang korapsiyon at umano ay kailangang maibalik ang pagiging Manila’s Finest ng pulisya sa Maynila.
Bagama’t tiniyak din ng alkalde na walang magaganap na balasahan sa 11 istasyon ng MPD, tinaniÂngan naman nito ang 11 commander na ayusin ang kanilang mga nasasakupan.
Samantala, sinabi naman ni Genabe na binibigyan naÂman niya ng 15 araw ang kanyang mga kapulisan na baguhin ang kanilang sistema at linisin ang kanilang nasasakupan.
Dapat ng tapusin ng mga pulis ang kanilang pangongotong at pangiÂngikil at ayusin ang daloy ng trapiko sa lungsod.
Idinagdag pa ni Genabe na maraming pulis ang posibleng masibak at maÂdismis kung hindi titigil sa kanilang katiwalian.
Samantala, idinagdag pa ni Moreno na handang makipagtulungan ang konseho ng Maynila kay Mayor Estrada upang mapabuti ang kondisyon ng lungsod.
- Latest