MANILA, Philippines - Dalawang lalaki na pinaniniwalaang kapÂwa biktima ng summary execution ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Maynila at Caloocan.
Bagama’t walang pagkakakilanlan ang biktima na natagpuang bangkay sa Legarda St., Sampaloc, Maynila inilarawan na lamang ito na nasa edad 27, may taas na 5’3’’, payat ang katawan, naka-puting sando at itim na pajama, tadtad ng tattoo sa katawan na may nakasulat na paÂngalang “DANDY Garcia†sa kanang kamay at Sputnik Gang.
Ayon kay SPO2 Milbert Balinggan, alas-5:00 ng umaga nang makita ang bangkay ng biktima sa Legarda St., harap ng tanggapan ng Pro-Life Philippines Foundation Incorporated malapit sa San Lorenzo Ruiz Chapel.
Nakabaluktot umaÂno ang katawan ng biktima, nakagapos ng alambre ang kamay at paa habang nakaÂbalot ng itim na garbage bag ang ulo.
Nang matanggal ang garbage bag sa ulo, duguan ang mukha ng biktima at nakalawit na ang dila. Walang ibang sugat ang biktima maÂliban sa mga marka sa leeg at kamay.
Samantala, nababalot naman ng packaging tape at may dalawang tama ng bala sa ulo ang biktima na tinatayang nasa 45 hanggang 50-anyos, nakaÂsuot ng t-shirt na puti at brown na short.
Sa ulat ng puÂlisya, dakong alas-11:15 ng gabi nang matagpuan ng basuÂrerong si Rene Alemendaz, 28, ang biktima sa Zapote St., Bagong Barrio ng naÂturang lungsod na naging dahilan upang itawag sa mga pulis.
Inaalam pa ng puÂlisya ang pagkakaÂkilanlan ng biktima at inaalam din ang mga taong responsable sa kamatayan nito.