^

Metro

Pagsasanay sa mga babaeng police investigator, pinalakas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa 30 mga babaeng pulis ang sinanay ngayon ng National Capital Re­gional Police Office (NCRPO) sa imbestigasyon sa pag­ha­wak ng mga sensitibong  kaso sa mga kabataan at kababaihan.

Sa datos ng NCRPO, nasa 206 na ang policewomen na naisasailalim sa pagsasanay at ikinalat sa iba’t ibang Women and Children Police Desks ng mga police districts sa Kamaynilaan.

Isinagawa ang 10-araw na Specialized Traning Program (STP) sa Regional Special Training Unit sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City na nag-umpisa nitong Hunyo 17.  Sakop ng pag-aaral ang 10 modules ukol sa “Traf­icking, Crime Scene Investigation, Rules on Evidence at Testifying in Court”.

Ang naturang pagsasanay ay upang iangat ang ka­alaman at kapabilidad ng mga babaeng imbestigador sa implementasyon ng espesyal na mga batas para sa mga babae at bata.

Sa tala ng NCRPO-WCPD, nasa 4,215 kaso ng paglabag sa Republic Act 9262 (Violence against Women and Their Children) at Republic Act 7610 (Child Abuse) nitong Mayo 2013.

Inatasan naman ni NCRPO Director Leonardo Espina ang mga tauhan ng WCPDs na proteksyunan ang kapakanan ng mga bata at ng kababaihan habang nanawagan sa mga abusadong biktima na lumantad at huwag matakot upang makamit nila ang kataru­ ngan.

 

vuukle comment

CAMP BAGONG DIWA

CHILD ABUSE

CRIME SCENE INVESTIGATION

DIRECTOR LEONARDO ESPINA

NATIONAL CAPITAL RE

POLICE OFFICE

REGIONAL SPECIAL TRAINING UNIT

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with