2-anyos natusta sa sunog

MANILA, Philippines - Isang 2-anyos na batang lalaki ang natusta nang buhay habang sugatan naman ang dalawang kapitbahay nito kabilang ang isang lola matapos ma­ sunog ang 17 kabahayan, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kasamang nasunog ng kanilang bahay sa Asistio St., 7th Avenue ng naturang lungsod ang biktimang si Mark Joshua Sabado, 2.

Nagtamo naman ng paso sa katawan si Sonny Espi­ritu, 40, habang nakalanghap naman ng maraming usok si Josefina Benitez, 78, ng nasabing lugar na ginagamot sa President Diosdado Maca­pagal Memorial Medical Center.

Sa ulat ng Caloocan City Fire Department, dakong alas-8:00 ng gabi nang magsimula ang sunog sa bahay ng nasawi na hindi na naka­labas ng kanilang bahay.

Nabatid na umabot sa 17 kabahayan ang tinupok ng ma­lakas na apoy at nasa 28 pamilya ang nawalan ng tirahan. Umabot lamang sa ikalawang alarma ang sunog at tumagal ng mahigit kalahating oras.

Nabatid na nagsimula ang sunog sa napabayaang gasera dahil mahigit ng li­mang taon nang walang kur­yente ang bahay ng mga Sabado.

Show comments