^

Metro

Natakasan ng Koreano, 2 pulis Maynila kinasuhan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang pulis-Maynila ang ipi­nagharap na ng rek­lamo sa piskalya ma­­tapos matakasan ng isang Koreanong preso sa Rizal Park-Police Community Precinct ng Station 5, kamakalawa ng hapon.

Inihain ang kasong paglabag sa Article 224 ng Revised Penal Code (Evasion through negligence) kina SPO1 Felipe Manlutac, 53,  at PO2 Jes Sabado Delos Santos, 43, kapwa Jail night duty sa MPD-Rizal Park PCP dahil sa pagkakatakas ng detainee na si The Min Seo Sang-Yu, 39, binata, negosyante na nahaharap sa kasong rape at frustrated murder.

Sa ulat ni SPO2 James Poso ng MPD-General Assignment Section (GAS), dakong alas 4:00 kamakalawa ng hapon nang matakasan ni Sang-yu, ang mga jail officers.

Nabatid na nakiki­pagkuwentuhan sa iba pang pulis si Manlutac nang magulat sila sa ingay ng mga preso at doon natuklasan na nakatakas na umano ang Koreano.

Ayon kay Lucifer Yamazaki, civilian encoder ng Rizal Park PCP, inilabas umano si Sang-Yu sa detention cell nang mapaaway sa ibang bilanggo at ipinosas malapit sa puwesto ni Delos Santos. Isang kamay lamang ang nakaposas umano at ang isa ay nakasabit sa bakal ng selda.

Kabilang pa sa sinisilip  na anggulo ay kung bakit nananatili sa nasabing PCP ang dayuhan gayung may commitment order na nag-aatas na ma­aari nang dalhin ito o ili­pat sa Manila City Jail noong pang Mayo 20, 2013.

DELOS SANTOS

FELIPE MANLUTAC

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

JAMES POSO

JES SABADO DELOS SANTOS

LUCIFER YAMAZAKI

MANILA CITY JAIL

MIN SEO SANG-YU

RIZAL PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with