P30-M mga pekeng produkto winasak
MANILA, Philippines - Umaabot sa mahigit sa P30 milyong halaga ng mga pekeng produkto na nasamsam ng mga iba’t-ibang ahensya ng gobÂyerno kaugnay ng piÂÂna lakas na crackdown opeÂrations laban sa counterfeit at pirated goods ang winasak sa isinagawang ‘ceremonial destruction’ sa Camp Crame kahapon.
Ayon kay Intellectual Property Office of the PhiÂÂ lippines (IPOPHL)Director Ricardo BlanÂcaflor ang nasabing haÂlaga ay bahagi ng kabuÂuang nasamsam na P35,217,820,632.09 bilÂyon mga pekeng produkto sa loob ng limang buwang serye ng operasyon mula Enero hanggang Mayo ng taong ito.
Sa isinagawang ‘cereÂmonial destruction’ sa grandstand ng Camp Crame, dinurog, giniling at pinison ng V-150 armored vehicle ang mga pekeng produkto na kinaÂbibilangan ng sari-saring mga bag, sapatos, piraÂted CDS, shades, beauty products at sex enhan cers na may tatak ng mga kilalang brands o mga imported na produkto.
Bukod dito wiansak rin ang mga produkto na nagkakahalaga ng 30 milyong piso na kung saan, ang mga nakatatak sa counterfeit products ay kumakaÂbit sa mga kilalang brand.
Ayon sa opisyal, aabot sa 790 operasyon ang isiÂnagawa ng pinagsanib na puwersa ng mga ahensya ng gobyerno sa mga lugar ng Quiapo, Binondo, Metro Walk, 168 Mall, Makati Cinema Square, St. Francis Square at GreenÂhills sa lungsod ng San Juan.
- Latest