Fetus isinilid sa kahon

MANILA, Philippines - Isang 6 na buwan fetus na babae na nakasilid sa kahon ang natagpuan sa isang  palengke sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng Malabon City Police, dakong  alas-11:00 ng gabi nang mapansin ng mga nakatambay ang isang  kahon sa loob ng Malabon Central Market na nasa F. Sevilla St.,  Brgy. Tañong ng naturang lungsod.

Inusisa ng mga ito ang laman ng kahon ay doon nga tumambad ang isang fetus na babae na agad nilang itinawag sa pulisya. Dinala ang fetus sa Nate Funeral Homes.

Show comments