Obrero nakuryente, patay

MANILA, Philippines - Namatay ang isang construction worker ma­tapos itong makur­yente  habang nagkukumpuni sa loob ng isang bodega sa Malabon City kamakalawa.

Dead-on-arrival sa Pa­gamutang Bayan ng Malabon ang biktimang si Reynald Demalata, 24, ng Sitio 6 Dumpsite, Brgy. Catmon ng na­­sabing lungsod.

Ayon kay Police Insp. Marissa Santos, ng Ma­labon City Police Criminal Investigation Branch, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon sa isang bodega sa Dizon St., Brgy. Tenajeros ng naturang lungsod.

Habang nagkukum­puni ang biktima sa naturang bodega gamit ang dekuryenteng barena nang aksidenteng dumikit ang hawak nitong wire sa live wire.

Dahilan upang ma­kur­yente at mangisay ito dahil basa ang inaapakan nitong semento.

Agad na dinala ang bik­tima sa nasabing pa­gamutan ng kanyang mga kasama, su­balit hindi na rin umabot ng buhay kung saan inaalam na ng mga pulis kung may panana­gutan ang may-ari ng nasabing bodega.

Show comments