20 anyos tigok sa pen gun

MANILA, Philippines - Halos 24 oras nakipaglaban kay kamatayan ang  isang 20-anyos na lalaki matapos barilin ng lalaki na kanyang nasagi sa upuan kahapon ng madaling- araw sa Malate, Maynila.

Idineklarang dead-on-arrival dakong alas-3:45 ng madaling-araw sa Ospital ng Maynila (OSMA) ang biktimang si Miguelito Tabulao, residente ng #2353 J.Bocobo St., Singalong, Maynila.

Isang alyas ‘Miguel” naman ang pinaghahanap ngayon ng awtoridad na sinasabing responsable sa pamamaril gamit ang pen gun.

Sa ulat ni SPO1 Charles John Duran, dakong alas-4:00 ng madaling-araw kamakalawa sa may panulukan ng  San Andres at Meding Sts., sa Malate, nang masagi ng biktima ang kinauupuan ng suspect.

Patuloy lamang umano sa paglalakad ang biktima at kasama nitong si Jeremy Surio, 17, nang di batid na bumunot ng pen gun si Miguel at pinaputukan siya habang nakatalikod bago tumakas. Posibleng inakala ng suspect na sinasadya ng biktima ang  pagsagi sa kanyang  upuan.

Show comments