MANILA, Philippines - Pansamantalang bibitiwan ni Manila City Jailwarden Supt. Lyndon Torres ang kanyang posisyon upang bigyan daan ang imbestigasyon hinggil sa naganap na noise barrage at ilang isyu ng pagpapasok ng droga sa nasabing piitanÂ.
Kasabay nito, itinalagang OIC ng MCJ si Noel Baby Montalvo bilang pansamantalang kapalit ni Torres.
Sa ginanap na press conference, sinabi ni Torres na ang kanyang ginawang ‘leave of absence’ ay pagbibigay-laya sa mga imbestigador mula sa Bureau of Jail Management and Penology National Capital Region (BJMP-NCR) na siyasating mabuti ang pagkakasangkot ng ilang mga inmates at opisyal na posibleng resÂponsable sa pagpupuslit ng droga.
Paliwanag ni Torres, bukas siya sa anumang uri ng imbestigasyon, subalit kailangan din na laliman ang pagsisiyasat sa mga preso na nagpapasimuno ng gulo.
Aniya, walang katotohanan ang mga iniÂrereklamo ng mga preso at maging ng mga dalaw hinggil sa panggigipit sa kanila.
Nangangamba naman ang ilang tauhan ng MCJ na maging preÂcedent ang insiÂdente kung saan mas nasusunod pa ang mga preso sa pagpapalit ng wardenÂ.
Bukod dito, maÂging ang mga mayores ng seldang Cuerna ay nanghihinayang sa giÂnawang desisyon ni Torres lalo pa’t marami itong proyekto sa MCJ.
Umapela din ito sa mga mayores na suportahan si Montalvo kaÂtulad ng suportang ibiÂnigay nila sa kanya.