MANILA, Philippines - Isang 59-anyos na lola ang nasawi matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Caloocan City.
Dead-on-arrival sa Manila Central UniverÂsity (MCU) Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Conchita Gregorio, ng Lechugas Alley, Brgy. 133, Bagong Barrio ng nasabing lungsod.
Base sa imbestigasyon ni SPO3 Jaime Basa, ng Station and Investigation Division (SID), Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng hapon sa Zapote St., Bagong Barrio ng naturang siyudad habang gumagamit ng cellphone ang biktima nang biglang dumaÂting ang mga suspect na magkaÂangkas sa motorsiklo na hindi nakuha ang plaka.
Dito ay walang sabi-sabing pinaputukan ng mga suspect ang biktima dahilan ng kanyang kamatayan.
Mabilis namang tumakas ang mga suspect matapos isagawa ang pamamaril.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente para matukoy ang motibo rito.