^

Metro

Mister, kalaguyo ipinaaresto ni misis

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na nakawala sa galit ng isang misis ang kanyang mister nang personal niyang arestuhin ito kasama ang kalaguyong babae, habang papalabas sa isang motel sa lungsod Quezon, kama­kalawa.

Ang ginang na itinago sa pangalang Marie ay galit na dumulog sa tanggapan ng Quezon City Police Station 10, kasama ang nadakip na asawang si Marvin Bacani, 37, at umano’y kalaguyo nitong si Margarette Marie Mesina upang ireklamo ng kasong adultery.

Ayon kay Marie, hindi na niya matiis ang sobrang pambababae ng kanyang mister kung kaya tiniyak niyang makakalaboso ito dahil sa isasampa niyang kaso.

Sabi ni Marie, si Marvin at kalaguyo nito ay kanyang inaresto, kasama ang ilang barangay officials sa Brgy. Paligsahan matapos na maaktuhan niyang lumalabas ang mga ito sa isang motel na matatagpuan sa Quezon Avenue­, ganap na alas- 11:55 ng gabi.

Bago ito, natuklasan niyang naroon sa loob ng motel matapos na magteks umano ang babae sa kanya gamit ang cellphone ng asawa na naroon sila sa loob at nagla-loving-loving, ganap na alas-8:31 ng gabi.

“Ang alam ko matagal nang nagkikita ang dalawa na “yan, kasi yung babae, madalas na pinapadalhan ako ng mga teks, ang huli nga ay litrato nilang dalawa na ipinost sa FB (Facebook) na nasa loob ng hotel,” sabi pa ni Marie.

Nabatid kay Marie na sila ng asawang si Marvin ay sampung taon nang kasal at may apat na anak. At ngayon ang kanilang ika-10  wedding aniversary.

Sabi ni Marie, sa 10 taon nilang pagsasama ay apat na beses, bago ang huling insidente, na nahuli niyang nambabae ang mister, pero pinapatawad naman niya kapag nakiki-usap at alang-alang sa kanilang mga anak.

Subalit, sa kasalukuyang insidente ay tila nagising na siya, dagdag pa ni Marie, lalo pa na ang babae na mismo ang sumisira sa kanilang pagsasama, dahil pinapayagan na ng kanyang asawa na lait-laitin siya nito.

Kaya naman, nang malaman umano ni Marie na ang dalawa ay nasa loob ng isang motel, agad siyang umarkila ng isang FX taxi, at inabangan ang dalawa na lumabas.

Sinasabi ni Marie, nang lumabas ang dalawa ng motel ay agad na sumakay ng motorsiklo para umalis, pero humarang siya sa daraanan ng mga ito, kung saan naganap ang pagpapambuno nilang tatlo.

Tiyempo namang may nagpapatrulyang tropa ng Barangay tanod sa lugar at nakita ang pangyayari na agad namang hiningan ng tulong ni Marie na nagdala sa kanila sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment

AYON

BRGY

MARGARETTE MARIE MESINA

MARIE

MARVIN

MARVIN BACANI

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY POLICE STATION

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with