^

Metro

Holdaper ng bus, utas sa kuyog ng taumbayan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang hinihinalang holdaper makaraang kuyugin at saksakin pa ng galit na taumbayan matapos mambiktima sa mga pasahero ng isang bus,  kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Patay na nang idating sa Pasay City General Hospital ang suspect na nakilalang si Ariel Chentes, 38, ng 34 Block 17 Saint Cecille St., Maricaban, Pasay sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan.

Nadakip naman ang hinihinalang kasamahan ni Chentes na si Bernardo Ylanan, 54, ng Pio del Pilar, Makati City.  Tumanggi ito sa akusasyon at sinabing pasahero rin siya ng bus na naholdap at kasama sa humabol sa mga totoong holdaper. Sugatan naman ang traffic enforcer na si Darvin Pasilona, 33, miyembro ng Pasay Traffic Management Office, makaraang tamaan ng bala sa kaliwang kamay nang mamaril ang mga holdaper.

Sa ulat ng Pasay City Police, dakong alas-7:30 kama­kalawa ng gabi nang magdeklara ng holdap si Chentes at isa pang kasamahan na kapwa armado ng baril sa loob ng Gasat/Valino Express bus sa kahabaan ng EDSA.

Nilimas ng mga suspek ang pera at iba pang maha­halagang gamit ng mga pasahero bago tumakas sa may Malibay.  Agad namang nakahingi ng saklolo ang mga pasahero kabilang na si Gen Aves, 21, sa mga traffic enforcers­ sa lugar kaya nagkaroon ng habulan.  Tumulong naman sa paghabol ang iba pang lalaki sa lugar kaya nagpaputok ang mga holdaper.

Minalas na inabutan ng mga galit na taumbayan si Chentes kung saan pinagtulungan na itong gulpihin habang inaalam pa kung sino ang nanaksak dito.

ARIEL CHENTES

BERNARDO YLANAN

CHENTES

DARVIN PASILONA

GEN AVES

MAKATI CITY

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with