Dahil sa panlalait: Stepdad todas sa anak-anakan

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki nang saksakin ito ng kanyang stepson matapos laitin ng una ang huli, kahapon sa Navotas City.

Dead-on-the-spot sanhi ng dalawang saksak sa dibdib ang biktimang si Gregorio Diego, 46, ng Old Fish Port, Brgy. North Bay Boulevard ng na­turang  lungsod.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspect  na si Roefer Evangelista, 20.

Ayon sa pagsisiyasat ng Navotas City Police, na­ganap ang insidente dakong­ alas-12:00 ng tanghali nang umuwing lasing ang biktima at inabutan na naghahanda ng panang­halian ang suspect.

Nilait at pinagmumura ng biktima ang suspect na nagalit at kumuha ito  ng patalim bago pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang kanyang stepfather.

Matapos ang pana­naksak ay tumakas ang suspect.

Show comments