^

Metro

Pekeng movie/ TV director huli sa entrapment

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang nagpakilalang movie­ at television director ang dinakip sa isang en­trap­ment operation na isina­gawa sa Ermita, Maynila, matapos ireklamo ng iligal na pagre-recruit ng mga talent kabilang ang ilang bata, na pinangakuang ibi-build up sa showbiz industry, kama­kalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Insp.Virgilio Meneses, ang suspect na si Estivoh Biton Aposaga. 29, at residente ng  Unit 702 Manly Mansion compound, San Sebastian St., Quiapo, Maynila.

Dakong alas-3:00 ng hapon kamakalawa nang ares­­ tuhin si Aposaga sa Southern Cross Hotel, Room 405 M.H. del Pilar, Ermita, Maynila ka­ugnay sa panghihingi ng diumano’y processing fee para sa Department of Labor and Employment (DOLE) permit ng mga meno-de-edad na magtatrabaho sa showbiz.

Umabot umano sa  50 complainant na nagmula ang ilan sa Batangas, Laguna at Quezon province ang nabiktima ng suspect na pawang hiningan ng  halagang mahigit P2,000, bukod pa sa ilang pinangakuan na nakapagbigay ng hanggang P50-libo sa ilang mga pagkakataon.

Isinalang umano ang mga bata sa workshop at napako naman ang mga pangako na ilalabas sa teleserye ng GMA-7 network, kung saan umano sinabi ng suspect na konektado ito.

Kamakalawa ay agad ding isinalang sa inquest pro­ceedings ang suspect sa Ma­nila Prosecutors Office­ ka­ugnay sa kasong es­tafa­.

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

ERMITA

ESTIVOH BITON APOSAGA

MANLY MANSION

MAYNILA

PROSECUTORS OFFICE

SAN SEBASTIAN ST.

SENIOR INSP

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with