1 pang ginang nanganak sa LRT
MANILA, Philippines - Isa pang ginang ang naÂnganak sa loob ng isang tren ng Light Rail Transit AuthoÂrity (Line 1) sa pagitan ng isÂtasyon ng Carriedo at Doroteo Jose sa Maynila kahapon ng umagaÂ.
Nasa ligtas na kalagayan na ngayon ang si Darlene Idio, 35-anyos, taga-Las Piñas City at ang lalaking sanggol nito sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Sta. Cruz, Maynila.
Ayon kay LRTA Spokesman Atty. Hernando Cabrera, sumakay sa may Baclaran station si Idio kasama ang mister upang magtungo sa naturang pagamutan dahil sa paghilab ng tiyan. Tinulungan naman umano ng mga guwardiya si Idio nang mapansin na iika-ika na sa paglalakad.
Nang makalagpas sa Carriedo Station, dito na pumutok ang panubigan ni Idio at tuluyang napaanak. Agad namang tinulungan ang ginang ng nurse na si Maria Cecilia Lopez na nagkataon na kasama sa tren ni Idio at ng guwardiyang si Michelle Manansala.
Pagsapit sa may D. Jose Station, sinalubong na ng ibang empleyado ng LRTA ang ginang at dinala sa paÂgamutan.
Ayon kay Cabrera, maraming beses nang may mga nanganak sa kanilang mga tren dahil sa nasa ruta nila ang mga pangunahing pampublikong pagamutan sa Maynila at pinakamabilis ang LRT para makatungo dito. Pinakahuling nanganak noong Setyembre 13, 2012 ang ginang na si Anita Paz.
- Latest